Bosconian at Dating Pro-Aquino may Mensahe kay Kris: "Habang buhay namin pasan ang utang na loob sa inyong Pamilya, wag kayo mag alala..."
Bosconian at Dating Pro-Aquino, Naglabas ng sama ng loob sa Social media at Mensahe kay Kris: "Habang buhay namin pasan ang utang na ...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/06/bosconian-at-dating-pro-aquino-naglabas.html
Si Joe Smith Medina ay isang
Overseas Filipino Worker (OFW) na tiyak na may karapatang ikritiko ang Pamilya
Aquino pagkat napakatagal na niyang sinusuportahan ito. May imahe pa nga siya
sa 2005 yearbook ng Don Bosco Technical College Mandaluyong na sumusuporta kay dating Pangulo Benigno “Noynoy” Simeon Aquino
III.
Image grabbed from Facebook/Joe Smith Medina |
Image grabbed from Facebook/Joe Smith Medina |
Ngunit napagod na ang OFW sa paulit-ulit na
“reverse psychology” na inaabuso ni Kris Aquino tuwing binabatikos ang kanyang
magulang, kapatid o anak. Ayon sa OFW, tila sirang plaka ang pagpapaulit-ulit
ng kanyang mga linya at ang masasabi lang ng OFW ay “pagod na ako”.
Tila isang henyo si Medina pagkat kanyang
ginamit ang limang linya ng artista pabalik sa kanya.
Cory Aquino and the Aquino family.. | by Presidential Museum and Library/ Image credit to Flickr |
Ninoy and Cory Aquino's union bore 1 son and 4 daughters, image courtesy of president.gov.ph |
Isa rito ang paulit-ulit na pagsasabing
walang kalaban-laban ang kanyang tatay noong ito’y pinatay. Sinangayunan ito ni
Medina ngunit siya’y nababahala pagkat ilang dekada na ang lumipas at
pinagkakait parin ng mga Aquino ang pangalan ng tunay na pumaslang kay Ninoy
Aquino habang kanilang inaabuso’t ginagamit ang inosenteng pangalan ni
Ferdinand Marcos bilang ang salarin.
Ang pangalawang kataga ni Kris ay ang
linyang “pagod na ako” na ginamit rin ni Ninoy noon laban sa Martial Law.
Ngunit ipinamuka ni Medina na sa totoo lang, ang talagang nakakapagod ang ang
pag-gamit sa kanilang sumusuporta sa mga Aquino para sa personal nilang mga
agenda.
Ang ikatlong linya ni Kris na kanyang
ginamit habang dinedepensahan ang kanyang mga magulang ay ang “magalit kayo sa
Liberal at wag sa aking magulang”. Ipinunto lang ng OFW na nakakatawa lang
pagkat ang kanyang buong pamilya ay Liberal!
The Aquino Family/ Image credit to The Philippine Urban Legends |
PNoy spends Christmas with family / Credits to Rappler |
Ang ikaapat na linya ng aktres ay ang “hindi
kami yellowtards”, tulad ng ipinunto ni Medina sa nahuling linya, ito’y hindi
maiiwasan pagkat buong pamilya niya’y ganito. Kung nais niyang hindi maging
“yellowtard” edi tanggalin nila ang dilaw na ribbon at ipalit ito sa bandila ng
Pilipinas.
At ang ikahuling kataga ay ang pagsasabing
mahalaga ang sorry. Medyo mahipokrito ito sa mata ni Medina pagkat dinedemanda
ito ng pamilyang hindi pa nakakahingi ng tawad sa “mga pamilya ng Mamasapano, magulang na nawalan ng anak sa Dengvaxia,
mga magsasakang nag aantay na ipamahagi na ang Hacienda Luisita , mga dumalo sa
Edsa Uno na hanggang ngayon ay nag hihintay ng hustisya sa inyong ama.”
Nasasaktan daw ang OFW pagkat ginagawang collateral damage ni Kris ang buong bayan
pag ang tinitira’t hinuhusgahan lang ay ang kanyang tatay.
Hinihingi rin ni Medina na mag move-on na ang aktres pagkat nakataga na
sa bato, pera’t paliparan na ang pangalan ng mga Aquino. Hindi pa ba sapat na
si Cory Aquino ay naging pangulo na, si Noynoy Aquino’y naging senador at
Pangulo at si Bam Aquino na nandirito parin sa Senado? Hindi pa ba sapat na
napatalsik ang dating Pangulo Erap Estrada at napakulong ang dating Pangulo
Gloria Macapagal-Arroyo? Hindi pa ba sapat na madayang napatalsik nila si Chief
Justice Renato Corona?
Ano pa ba ang gusto ng mga Aquino, pagod na
ang Pilipinas sa drama’t panloloko ninyo.
Basahin ang ikalawang parte ng paglalabas ng sama ng loob ni Medina sa kanyang orihinal na Facebook account:
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
The News Blogger SOURCE: Facebook/ Joe Smith Medina
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.