facebook

WATCH | Lalaki, Pwersahan Binuksan ang Pintuan ng Umaandar na PNR Train

Photo credits to owner Nakunan sa video ang isang lalaking pwersahang binubuksan ang Pintuan ng PNR Train habang ito ay umaadar.  Ayo...

Photo credits to owner

Nakunan sa video ang isang lalaking pwersahang binubuksan ang Pintuan ng PNR Train habang ito ay umaadar. 

Ayon sa kumuha ng video na si Daryl Alcantara, ginawa nyang videohan ang lalaki dahil sa kanyang kilos at pagiging maangas dahil sa pilit nyang pag bukas ng pintuan ng tren,  tila ito ay hindi sadya at nais talagang buksan ng lalaki ang video. 

Mapapansin sa video ang pag abang ng lalaki at paghawak sa una pa lang upang ma kontrol ang pagsara ng pintuan ng tren. 

Narito ang video, kuha ni Daryl at inupoload sa kanyang Facebook Account. 



Kwento ni Daryl, noong una daw ay akala nito na sira ang pintuan ng tren, pero sa susunod na istasyon ay nakita nya na ito na pinipigilan ng isara ang pintuan. 

Inilagay ng lalaki ang kanyang kamay sa gitna ng pintuan bago pa man ito magsara at habang umaandar ang tren papunta sa susunod na istasyon ay pinipilit talaga nitong buksan. Ginawa nya ito hanggang umabot sya sa kanyang bababaan sa Blumentritt Station sa Maynila. 

Agad naman itong pinost ni Daryl sa kanyang facebook account na umani ng maraming kumento mula sa mga netizens. 

Ayon sa ibang netizens na nakapanuod ng video ay ito daw ay parang may sira ang ulo at nagpapansin lamang, sinita naman ng iba ang lalaki dahil mali ang ginawa nitong gawain na pilit na buksan ang tren. 

Habang ang iba naman ay pinuna ang naging istruktura at ang seguridad ng PNR ukol sa nangyaring insidente.

Nagbigay naman ng pahayag ang PNR sa nangyaring kumakalat na video ng lalaki, ayon sa kanila maaring i-ban ang lalaki at di na pasakayin sa PNR kapag natukoy nila kung sino ang lalaki iyon. 

Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang PNR tungkol dito. 

“Pwede namin siguro irekomenda na sya ay ma-i-ban. I-explore namin, tignan namin kung kailangan umabot doon para magsilbing aral din sa ibang pasahero,” ayon kay  Jo Geronimo, Acting Operations Manager of PNR.

Magkakaroon naman ng imbestigasyon ang PNR upang makilala kung sino ang lalaki na nasa video. 

Medyo alarming kasi delikado. Ipa-pa-trace namin yan, ikakalat namin para mamukhaan ng mga teller namin,”

Nagkaroon naman na pwedeng maging posibilidad ang pagkakaroon ng pagkukulang ng personnel na syang incharge ng gabing iyon. 

“So, tignan din namin bakit nagkaroon ng kapabayaan at nagawa yun ng pasahero. They will also be investigated,”


What can you say about this video, share your thoughts by commenting below. 



Source: FacebookGMA News







Related

Trending 1710731660616188786

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item