Enrile, Isiniwalat ang Layunin ng Bataan Nuclear Plant na Ipinasara ni dating Pangulong Cory Aquino
Dating Defense Minister ni Pangulong Ferdinand Marcos (Photo on the left) at Dating Pangulong Corazon Aquino (Photo on the right)p/ Image...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/06/enrile-isiniwalat-ang-layunin-ng-bataan.html
Dating Defense Minister ni Pangulong Ferdinand Marcos (Photo on the left) at Dating Pangulong Corazon Aquino (Photo on the right)p/ Image credit to Google |
Ang mismong Defense Minister ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos, Senator Juan Ponce Enrile ang nagsiwalat na
pangunahing layunin ng Bataan Nuclear Power Plant ay ang pagsupply nito ng
murang kuryente sa Pilipinas, ngunit may naitagong pangalawang layunin ito na
maging paraan upang makapagsaliksik ng paraan upang makagawa ng armas nuclear.
Image credit to the owner |
Kung hindi nga lang ipinasara ito ni dating
Pangulo Corazon “Cory” Aquino edi sana’y may panagga na ang Pilipinas laban sa
mga banta ng Tsina sa pinagaawayang teritoryo, Scarborough Shoal, sa West
Philippine Sea (WPS).
Ngunit pinairal ni Cory Aquino ang kanyang
galit bago ang kapakanan ng buong bansa, at parehong murang kuryente’t mga
posibleng armas nuclear ang hindi nakamit ng bansa. Isang personal na bagay na
nag-alinlangan at itinapon ang perang ginamit ng bansa upang mapaunlad ito.
Bukod rito, ipinagbawal rin sa Konstitusyon
ang paggawa at pagimbak ng armas nuclear sa ating bansa.
Totoo nga na may parte si Marcos sa
pagpapahirap ng Pilipinas, ngunit kung kanyang napagpatuloy ang pamumuno niya
at hindi siya pinatalsik nila Cory Aquino, tiyak na bawi ang lahat ng utang
natin sa ibang bansa. Yun nga lang at ang umupo ay isang taong walang alam sa
pamamahala na sinubsob ang bansa pababa para sa kanyang “demokrasya”.
Mula sa isiniwalat ni Enrile, hindi sana
mapipilitan si Duterte na makipag-alyansa sa Tsina upang saliksikin ang
tinatagong natural na yaman ng bansa. Nakakalungkot lang at ang tunay na
nagawa’t baka layunin ng mga Aquino ay ang pagpapahirap sa bansa.
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
The News Blogger SOURCE: Facebook/ Dugong Maharlika
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.