facebook

Hongkong Experience turned into Nightmare After These Filipinos were trapped in Immigration

Photo credits to owner Isang hindi ka nais nais na pangyayari ang naranasan ng pinoy na magkakaibigan sa kanilang pag babakasyon sa Hon...

Photo credits to owner

Isang hindi ka nais nais na pangyayari ang naranasan ng pinoy na magkakaibigan sa kanilang pag babakasyon sa Hongkong. Ayon sa kanilang kwento ay hinarang sila sa immigration ng isang lalaking naka blue na polo at tinanong kung first time nilang makarating sa Hongkong at doon na nangyaring ang masalimuot na karanasan nila ng hinarang na sila sa Immigration pa lamang sa Hongkong. 


Ayon kay Grace Ann, sa kanyang facebook post ay kinuwento nya ang bawat pangyayari at kung paano sila trinato ng mga immigration officers sa Hongkong. 


Umalis ng masaya, bumalik ng Pinas na Luhaan 😭😒

Yung dream trip nyo ni beshy matutuloy na! Matagal natin tong hinintay, pinag ipunan , pinaghandaan at pinaghirapan. Pahirapan pa nga ang pagpasa ng leave form sa work kasi mejo matagal beshy ang bakasyon natin 😊. Buti na lang approved ✅. This is it!

Pero bakit ganun ang nangyare?! Nasayang ang lahat 😒 maayos naman kaming nakaalis ng pinas bakit sa airport ng HK hinarang kami ng immigration. Sa tv ko lng nakikita ang ganun pangyayare bakit ngayon nasa sitwasyon na namin. Sa dami daming tao na kasabay namin bumaba bakit kami pa ang natyempohan, siguro kami lang yung nakasmile ng abot langit sa sobrang tuwa namin. maya maya may lumapit samin na nakablue polo at nagwelcome samin, tapos yun na pala yung simula ng bangungot namin. Tinanong kami kong 1st time namin sa HK, sumagot kami ng OO. Tapos maya maya marami ng lumapit na mga nakauniform na may nakalagay ng immigration. Dami nilang tanong. Maayos naman namin silang sinagot pero pinasunod na kami sa kanila, dinala na kami sa office. Isa isa kaming ininterview. Lahat ng hinahanap nilang documents pinakita naman namin. Sobrang tagal namin dun, akala namin pagtapos na kaming interviewhin makakaalis na kami, nung palabas na kami pinapunta kami ulit sa isa pang office siguro yung pinaka main office nila at pinaupo. Biglang may inabot samin ng papers na ipapasign nila, tapos sinasabi nilang no more HK! Whaaaat?! Nagulat kami! At nagpanic, umupo sa harap namin yung nakablue na polo na immigration officer daw. Nagpakilala sya at may mga sinabi Tinanong namin ‘sir, Why we need to go back to the Philippines?! Sorry pretty ladies but our decisions is final. Nagsimula na yung pagtulo ng mga luha namin! 😭 nakakagago pala to e may papretty pretty ladies pa syang nalalaman! πŸ‘Š tinanong namin kung bakit kasi alam namin sa sarili namin na wala kaming ginagawang mali, sabi nya immigration reasons for security purpose. Ha??? Sabi namin ‘what reasons?? we dont understand can you pls explain. Yun lang paulit ulit ang sinasabi nya, di naman nya iniexplain ng ayos, immigration reasons??? Ha? Nasagot namn namin ng ayos mga tanong nila sa interview. kaya wala syang valid reason kaya pinaglalaban parin namin na wala kaming ginawang mali, ‘its so unfair, we dont understand sir, where’s the valid reason there??? Wala naman silang nakuha sa bag namin. May address kaming binigay na pupuntahan namin, may magsusundo namn samin. 😭😭😭 hanggat sinabi nya na “okay girls all of you will go back to the Philippines later at 7pm, tumayo na sya at umiyak na kami ng bongga. 😒 no !hindi pwede to! “Sir! Pls. We save our money for this! We are only here for vacation, nothing else! So pls! Why your so unfair!” πŸ˜” Di nya na kami pinansin at tinalikuran, saka biglang lumapit yung mga tauhan nya, pinapapirmahan yung mga papers! Ni isa wala kaming pinirmahan dahil alam namin sa mga sarili namin na wala kaming ginawang mali, akala siguro nila na wala kaming mga alam. At basta basta kami pipirma. Mabuti nakang di kami pinilit na pumirma. Sinabi namin dun sa isang tauhan nila na yung tita ni jessa ay naghihintay samin sa labas, tinanong namin kung pwede namin makausap at makita pero pinigilan nila kami, hindi daw allowed. Sabi namin ‘We need to contact her and tell her that we are here.’ Walang signal sa loob ng office kaya di namin sya macontact. Hanggang tinawag nila pangalan ko ‘grace ann bartolome” sabi ko yes me, why? youre the only one who would be allowed to contact her auntie, but you need to follow us” but why me?’ No questions. Sabi ko sa mga kasama ko bakit ako, yung dibdib ko kumakabog sa kaba. Nanginginig ako sa takot, at sinabi nlng sakin ni jessa okay lang yan besh dalhin mo tong cp ko, contactkin mo na si tita. Dali dali namn na ako sumunod at pinadala nila yung luggage ko. Habang naglalakad kami, dinidial ko na yung tita nya patingin tingin sakin yung babae na masungit na immigration member. “Hello jessa, sabi nung tita nya. “Hindi po ito si jessa, si grace po ito yung friend nya, “ nasaan si jessa”, “tita andito po kami sa immigration office, pinahiwalay po ako magisa kela jessa” hanggang nakarating na kami sa pupuntahan namin nung babaeng masungit, may biglang lumapit na babaeng nakauniform na green parang pulis ba o ewan basta nakaupo sya dun sa table at may mga hawak na papers. Biglang sinabi sakin nung babaeng masungit ‘miss, pls sit down’ biglang pumasok sa isip ko baka pilitin nila akong papirmahan lahat ng papers kaya di ako umupo, nasa line pa yung tita nila, sabi nya “grace nasan kaba?, puntahan kita. Bigla na ako naiyak sabi ko tita di ko alam basta nagiisa nlng po ako dito, at nasa immigration office po sila jessa, biglang akong sinigawan nung babae ‘miss! give me ur phone! And sit down! Sobrang natakot na talaga ako😰 “sabi ko ‘you told me a while ago, im allowed to talk to my unties friend, she is there at the exit can I see her now?? Sabi nya “no! Give me your phone! Bigla na akong umiyak ng bongga😭 takot na takot “ wala na ako masabing iba kungdi “pls” di nya ako pinakinggan. At tumayo na yung babaeng nakagreen at pinasunod ako kasama yung mga gamit ko. Hinalungkat nila ang gamit ko nilabas nila lahat. Hanggat sinabi ko “what is going on?’ Di nila ako pinansin pero panatag namn ako kasi alam kong wala namn sila makukuha dun, pumasok lng sa isip ko na baka may ilagay sila dun para makakuha sila ng reasons para paalisin kami. Nanginginig parin ako sa takot, hanggang sinabi ko “ wheres my friend!? Sabi nya ‘they are still there!’ Sa sobrang takot ko dahil magisa lang, naisip ko baka paghihiwalay hiwalayin yata kami. sabi ko ‘i need to see them now, pls. Im so scared’ sabi nya dont worry you will see them later” natapos na nila icheck yung gamit ko at wala namn sila nakita, thanks God, di namn nangyare yung iniisip ko. Nung nakabalik na ako sa office wala dun yung mga friend ko, nagpanic ako ulit sabi ko “hey where they are?!” Kinuha nila gamit ko lahat lahat pati cellphone at nilagay sa locker at pinaglagyan sakin ng password. Paulit ulit ko silang tinanong kong nasan na sila. Hanggat sa nakita ko na sila at parang nakahinga ako ng ayos kahit papano, tinanong nila jessa ako kung ano ginawa nila sakin 😭😭 umiyak nanamn ako. At sinabi ko wala nmn chineck lang nila gamit ko, at wala akong pinirmahan. sinabi ko rin na alam na ng tita mo na nasa immigration tayo. Kinuha yung phone mo at ayaw nila akong payagan makita tita mo. Lumapit si jessa dun sa isang babae at nagtanong at Pinayagan namn si jessa na makausap yung tita nya sa telephone pero wala parin nagawang action kahit tita nya, kasi sobrang higpit talaga ng HK immigration. Halos 10hrs kaming nadetain, para kaming mga preso dun. Yung puyat, pagod at gutom. Halo halo na yung nararamdamn namin 😒 hanggang napagod na kami umiyak at nilibang ang sarili. Kinuha lahat ng gamit namin pati cp kaya pray na lng yung ginawa namin. ‘Lord okay na wag na kami matuloy, basta makauwe lang at makabalik lng kami ng pinas ng ligtas” binigyan namn kami ng pagkaen pero sa sitwasyon namin na yun dika talaga makakaen kahit alam mong gutom kana, iniisip pa namin baka may lason o pampatulog pa yun. Wala na kaming ibang maisip kundi gusto na namin umuwe!Siguro kong magisa lng ako dun, nakoo lalabas akong baliw. Padilim na nun, at parang nagpapanic nanamn kami dahil sabi nila 7pm ang flight namin pabalik ng pinas pero 6pm na wala pa samin sinasabi. Kaya nagtanong na kami, hanggang may dumating na isa ng babae hawak yung mga ticket namin. At nagulat kami dahil pinababayaran yung flight ticket namin pabalik, samantalang naalala namin nung kinausap kami nung immigration officer sinabi pala nya na free nya kaming papabalikin sa pinas! Yun pala ang gago di namn pala! Grabi ang mahal ng ticket besh 😭😭 nakakaiyak! yung pera sana naming pinangpapasyal na at pinangkakaen sa HK ibabayad lang pala namin sa wala. Huhu nasayang lng pera namin. Nabalewala yung back n forth na ticket namin. Grabi sila 😭😭 haaaays 
Nadelayed yung flight namin pabalik at 8:30 na kami nakalipad. Nung andito na kami sa pinas may kumausap samin, at tinanong kung anong nangyare, kinuwento namin sa kanila lahat, hanggang sinabi nila ganun daw talaga ang si HK. Marami na silang naencounter na pinauwe, meron pa nga daw nag ikakasal nlng daw dun ng kinaumagahan pinauwe, meron din magnanay at marami pa daw iba. Sobrang higpit daw talaga dun, ang swerte lng namin at natyempohan kami sa dinami dami ng pasahero. Di siguro tinanggap at naniniwala sa purpose namin n binigay yung immigration ng HK. Ang pinagtataka ko lng marami na pala ang airport ng pinas na naencounter bakit wala man lng silang ginagawang aksyon 🀦🏻‍♀️ hahayaan nlng ba nila yun. Haaaaays pinas nga namn talaga.

Huhu TRAUMA lng inabot namin! Ayaw ko na sa HK. Di lng namin nakita ang beauty ng HK. Marami pa namn mas magagandang palce dito sa pilipinas. Nasayang lng lahat ng pinagpaguran namin. Worst feeling ever!

Sabi nga nila lahat ng bagay ay may kapalit, di siguro kami meant to be ng HK. 
Ang pera nababalik at napapalitan pero ang mahalaga ang safety namin at ligtas kaming nakabalik dito sa pinas. Hindi na magwoworry ng bongga yung mga parents namin at mahal sa buhay. 
Learned ur lessons: wag kang lalapit sa lalaking nakablue polo πŸ‘• lalo na kung pangit at kirat ang mata. 😁 hehe joke. Pampawala lang ng stress.

Mga beshy! Makakamove on parin tayo, tuloy ang leave! Hehe tara na at maglibang! Mga nagandahan lang yun satin.😊 Isipin nalang natin na isang lang masamang bangungot ang lahat. πŸ’ͺ pagaling tayo! Hehe πŸ€’πŸ€’πŸ€’

Photo credits to owner

Photo credits to owner

Photo credits to owner

Photo credits to owner

Photo credits to owner

Photo credits to owner

=======


Disclaimer: The blog was created for informational purposes only only as to give you general information and understanding. The images on this blog are copyright on its owners. Otherwise, if the photos on this blog belong to you and does not want to appear on this site, kindly send us an email with the link of the image and we will assure to removed as soon as possible. 


Source: Facebook

Related

Viral 4885990148100159294

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item