facebook

Indie Film Actor may Open letter kay Kris Aquino: "Kung makahamon ka kay Asec Mocha ay parang ikaw na ang pinakamatapang sa buong Pilipinas..."

Indie Film Actor may Open letter kay Kris Aquino: "Kung makahamon ka kay Asec Mocha ay parang ikaw na ang pinakamatapang sa buong Pil...

Indie Film Actor may Open letter kay Kris Aquino: "Kung makahamon ka kay Asec Mocha ay parang ikaw na ang pinakamatapang sa buong Pilipinas..."/ Image credit to Facebook

Hindi na siguro labag sa kaalaman ng mga ordinaryong mamayanan na ang mga Aquino ay “bottom-line” mapangabuso. Dahil dito nagawa ni Leonard Inocentes Olaer na matapat na harapin ang sitwasyon sa word war ni “most influencial celebrity” Kris Aquino at Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson. Isang liham para sa nasabing artista ang kanyang isinulat at ipinamukang ang kanilang word war ay hindi isang laban ng dala ng walang saysay pagkat hindi ito personal na isyu kundi ang isyu sa pagitan ng sambayanan at ng mga Aquino.

Image credit to Facebook/ Leonard Inocentes Olaer

Kris Aquino and Communications Asec. Mocha Uson / Image credit to ABS-CBN file

Ipinamuka ni Olaer na pagod na pagod na ang masang Pilipino sa pagkakahipokrito ng mga Dilawan. Humihingi si Kris ng patawad ngunit humingi ba sila ng patawad sa perwisyong ginawa ng kanyang kapatid sa madugong napaslang na sundalo ng Special Armed Forces 44, sa mga nawalan ng buhay sa Hongkong tourists ng Manila hostage crisis o sa mga napeligrong pamilya dahil sa Dengvaxia?

Iba’t-ibang kabalastugan kung saan katahimikan lang ang binigay. Kita niyo ang pagkakahipokrito dito?

Bukod rito ginagamit pa nila ang “demokrasya” bilang isang bagay na kanilang pinaglalabanan ngunit hindi nila matanggap na demokratikong naglalabas si Asec. Uson ng kanyang mga opinyon? Halatang-halata ang kagustuhan ng artista na patahimikin siya pagkat ang opinyon niya’y labag sa kalooban ng kanyang pamilya. Nasaan rito ang mademokratikong Freedom of Speech?

Kris Aquino live video response to Mocha Uson/ Image credit to Typist Life

Nagagalit si Kris pagkat nadawit ang pangalan ng kanyang ama na matagal nang namayapa ngunit walang problemang ikondema nila ang pangalan ng matagal nang patay na si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Pangalan ito ng dating pangulong kanilang hinuhukay sa pagkakalibing at dinedemonyo pag may mga isyu patungkol sa kawalan ng demokrasya! Nasaan ang hustisya rito?

Iginiit na rin ng simpleng mamamayan na hindi na dilat na ang kanilang mga mata sa katotohanan

“Hindi nyo napo kami madadala sa drama ninyo!” ipinamuka ni Olaer.

Nakakalungkot lang mayorya ng mamamayang Pilipino ay suportado kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngunit sa bawat pagkakataong pupwede, hindi papalampasin ng Liberal Party na gamitin ang kanilang mga kakayahan upang bahiran ng dumi ang pangalan ng Pangulo. Dahil dito ginagawa ng mga tagasuporta ni Duterte ang lahat upang madepensahan nila ang Pangulo.

“Prinoprotektahan lang namin ang aming pangulo na syang may tunay na malasakit sa bayan,” sabi ni Olaer.

At hindi sila hihinto hangga’t hindi titigil ang mga Dilawan sa panglalait sa Pangulo.  Ika nga ni Olaer kay Kris,

“Its not all about you and Ms Uson, its all about Yelowshit and the people who supported the president!

Self-centered kumbaga si Kris, ang Liberal Party at ang mga Dilawan. Para sa kanila lang ang kanilang ginagawa’t pinapairal at sawang-sawa na ang masang Pilipino rito. Kaya ngayong si Duterte na ang nakaupo masasabi ni Olaer na,

“...hindi napo ito panahon ng DILAWAN panahon napo ito ng SAMBAYANAN!!”

Iwinakas ng simpleng mamamayan na ito ang kanyang liham sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang importanteng punto.

“FYI, wag mong ipagpipilitan na HERO yang mga magulang mo!!! At kung maymalasakit nga kayo sa bayan at kung yung pamilya mo nga ehh mahal ang Pilipinas, isigaw nyo po ang agarang recount at suportahan ang isang malinis at maayos na systema ng halalan...”

Basahin ang buong post ni Olaer na kanyang pinost sa kanyang Social media account:

Image screenshot grabbed from Facebook/ Leonard Inocentes Olaer

Image screenshot grabbed from Facebook/ Leonard Inocentes Olaer
Image screenshot grabbed from Facebook/ Leonard Inocentes Olaer

















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


































The News Blogger SOURCE: Facebook/ Leonard Inocentes Olaer

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Related

Trending 425996375529494928

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item