Ni-Sentimo, Walang Gagastusin ang Duterte Admin para sa P3-Bilyong Makati-BGC Skytrain!
Ni-Sentimo, Walang Gagastusin ang Duterte Admin para sa P3-Bilyong Makati-BGC Skytrain! / Image credit to the owners Sisimulan na an...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/06/ni-sentimo-walang-gagastusin-ang.html
Ni-Sentimo, Walang Gagastusin ang Duterte Admin para sa P3-Bilyong Makati-BGC Skytrain! / Image credit to the owners |
Sisimulan na ang proyektong Skytrain monorail ng Infracorp Development
Incorporated pagkat binigyan na ng “original proponent status” sila ng
Department of Transportation.
Ang proyektong ito’y magkokonekta sa
dalawang natuturing “major business districts” na Fort Bonifacio Global City at
sa Makati City. Dalawang kilometro’t limang minuto ang haba ng riles at biyahe
ng naturing monorail. Nasa 60,000
hanggang 100,000 namang pasahero ang tinatayang maseserbisyohan ng nasabing
tren.
Ikinatuwa naman ito ng korporasyong
magsasagawa dito pagkat kanilang ito’y sumasalamin sa katapatan ng
administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kampanya nito para sa
patuloy na pagpapatayo ng imprastruktura sa bansa.
"We laud the government’s quick action
to the proposal. This is another clear indication of the government’s serious
commitment and focus on infrastructure developments," sabi ng Infracorp Development Inc. President Kevin Tan.
Win-win na sitwasyon ang konstruksyon ng
tren na ito pagkat walang-gastos na magmamay-ari ang gobyerno sa nasabing monorail habang ang mag-oopera rito ay
ang Infracorp Development Incorporated. Tinatayang nasa dalawang taon ang
aabutin ng konstruksyon ng nasabing monorail
at ito’y tinatayang magbubukas para sa pampublikong serbisyo sa 2021.
Isang malaking hakbang ang proyektong ito
sa ikauunlad ng Pilipinas. Malaki rin ang benipisyong madadala ng monorail na
ito para sa mga pasaherong mapapadali ang pag-cocommute sa pagitan ng dalawang
nasabing lungsod at baka sakaling mapaluwag nito ang trapiko rito.
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.