facebook

Balitang Ipon | Saan nga ba Mas Tama Mag - Ipon ng Pera? Bangko o Alkansya?

Photo Credits To Owner Unang tanong muna para sa'yo? Bakit Mahirap mag ipon? Bakit maraming nag sasabing hindi nila kayang maipon?...

Photo Credits To Owner


Unang tanong muna para sa'yo? Bakit Mahirap mag ipon? Bakit maraming nag sasabing hindi nila kayang maipon? 

Ang mag-ipon ay…di biro, para lang itong pagsasaka.

Maghapon kumakayod pero pag labas ng sweldo, kapos pa rin.
Mahirap nga ba ang maging isang Iponaryo? Sa hirap ng buhay ngayon parang ang hirap hirap ng mag ipon ngayon. Ang bawat pinag trabahuan mo sa isang buong araw ay makukuha pagkatapos ng labing limang araw (unang cut off mo sa isang buwan), pagkakuha mo nito, Wala kaagad natitira. In short, walang naiipon. 

Yes, aminin na natin na mahirap talaga mag-ipon ng pera, pero diba nga may kasabihan tayo ??? If there’s a will, there’s a way.

Ayon kay Chinkee Tan isa sa mga Wealth Coach at Motivational Speaker, maraming dahilan kung bakit may mga taong hindi makapagsimulang mag ipon. 

Napakaraming mga dahilan kung bakit may mga taong hindi makapag-ipon, at ito ang ilan sa mga iyon:

Narito ang mga ito; 

MARAMI AKONG GASTUSIN

“How am I to save money on electricity?

“How am I to save money for a car?”

“How am I to save money on groceries?”

Simple lang ang solusyon dito. Bawasan mo ang gastusin mo. Sit down and list your priorities. Identify your needs from wants. Ano-ano lang ba ang dapat mo talagang pagka-gastusan? Avoid impulsive buying. Think before you spend. If you will prioritize saving, it will have a long-term benefit na siguradong hindi mo pagsisisihan.

HINDI NASANAY MAG-IPON

“I tried… but I’m not a money saving expert!”

Mahirap talaga aralin ang isang habit na hindi mo nakasanayan at nakalakihan. Pero wala din mahirap sa taong pursigido at determinado. If you really want to be financially well, you need to start learning new good habits and unlearn bad habits. Kung hindi mo man nakasanayan ang pag-iipon, hindi pa huli ang lahat. Isipin mo nalang ang magiging magandang effect nito sa buhay mo.

KULANG ANG SWELDO O KITA

Pataas ng pataas ang mga bilihin, palaki ng palaki ang expenses, habang ang mga sahod at kita natin ay stagnant. Paano nga naman tayo makakapag-ipon kung sa basic needs palang eh hindi na kasya at kulang na ang sweldo mo?

Actually, wala sa laki o liit ng sahod yan. Hindi nakasalalay dun ang kakayanan nating mag-ipon. Kung makikita mo lang ang big picture, ma re-realize mong napaka-daming magandang benefits ang pag iipon. Kaya kahit maliit o kulang ang kita, pwede ka parin mag-ipon kung gugustuhin mo. Hindi kailangang malaki, kahit maliit na halaga lang ay pwede. Ang mahalaga, kahit papaano ay may naitatabi ka.

LUBOG AKO SA UTANG

Mahirap nga namang mag ipon kung hindi ka magkanda-ugaga sa sangkatutak mong utang! Itigil mo na ang pag utang at sikapin mong mabayaran na ang lahat ng pagkakautang mo at tsaka ka magsimulang mag ipon.

WALA NANG IBA-BUDGET

To budget is to plan. Kung hindi ka nagba-budget, ibig sabihin hindi ka nagpa-plano. May kasabihan nga tayong “if you fail to plan then you plan to fail”. Imposibleng wala kang budget. Meron yan. Hindi mo lang pina-prioritize. Isama mo sa budget ang pag-iipon at hindi yung kung ano lang ang matira sa pera mo.

HINDI ALAM KUNG PAPAANO MAG-IPON

“What’s the best way to save money?”

Marahil ang iba sa inyo nagtatanong kung paano ba mag-ipon? Napakaraming paraan ang pwede mong subukan. Yung iba nag-iipon sa bangko, yung iba nag-iipon sa pamamagitan ng stocks at iba’t-ibang klaseng investment instruments, habang ang iba naman ay nag-iipon sa alkansya. Kung ano ang mas magwo-work sa iyo ng pamamaraan dun ka. Pwede ka ring sumubok ng iba. Huwag mahiyang magtanong at magpaturo sa mga nakakaalam.

Sa totoo lang, mahirap mag-ipon kasi madami tayong dahilan. Sa dinami-dami ng dahilan para hindi makapag-ipon, napakarami din nating namimiss na benefits at positive effects, hindi lang sa finances natin kundi sa mismong buhay natin. Kaya ibaon na natin sa lupa ang mga dahilan natin at simulan na nating mag-ipon. Saving is a discipline. It???s more than just a habit, it???s a conviction and a commitment.

THINK. REFLECT. APPLY

What is stopping you from saving?

What are your struggles when it comes to saving?

Are you ready to unlearn and learn?

Ilan lang ito sa mga pangunahing dahil kung bakit hindi ka nakakapag ipon, pero bawat problema may SOLUSYON! 

Sa nabanggit ni Chinkee, the best way to save money is through having a bank account. 

Ang silbi ng Savings Account ay ang makalipon ka ng pera sa isang account na nakapangalan sa'yo. Maaari itong invidiual or joint (kasama ang iyong kamag-anak, or business partner) account. Maliban dito, may mga partikular na klase ng savings account ang maaaring bagay sa ‘yo.

Kapaki pakinabang ang magkaroon ng Saving Account, Una ay siguradong sayo ang Pera, May magandang investment at Maganda ang Credit rating o ang pagkakaroon na makumbinsi kaagad ang iyong pagkakautangan na kaya mong magbayad ng loan dahil meron kang Saving Account. 

Meron din namang isa pang paraan ng pag iipon ito ay ang pag iimpok ng salapi o pera gamit ang Alkansya. Dito ay hindi ka lugi. Kung ano ang iyong naipon ayun din ang matatanggap mo. Madali lang magkaroon ng Alkanysya, gumamit lamang ng kahit anong lalagyan na kakasya ang perang papel o barya na lalagyan mo at swak makakaipon ka na! 

Malaking temtasyon ito dahil nasa iyo ang pera mo, pero konting tiyaga lamang at pasensya sa sarili at pag titiis makukuha mo din ang nais na salapi na gusto mong pag ipunan. 

Kung tatanungin, saan nga ba mas mainam mag ipon? Depende ito sa estado mo. Magandang simula pa lamang bata ay nakakapag ipon na gamit ang alkansya. Kung kayanin ng gabay at tulong ng magulang na pagipunan at gumawa ng Saving Accounts ang bata, gawin na. 

Kung ikaw naman ay matanda na at nag tratrabaho na, marahil pwede ka ng mag ipon at gumawa na ng Saving Accounts, simulan mo na din ang pag iinvest para sa karagdagang kita. 

Sa ngayon ay ito ang mga importanteng bagay na dapat mong malaman para maging mas kapaki-pakinabang ang pag-iimpok mo. Kung gusto mong guminhawa ang buhay, pigilan muna ang sarili sa pag-gagastos. Isipin ang kinabukasan mo at siguradong magiging maganda ang buhay mo.

Share your thoughts and reaction on the story by leaving a comment below! 







Related

Trending 1260006425859134166

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item