facebook

Isang Waiter sa isang KTV Bar sa Pasay, tinangkang halayin ang Isang Customer na Babae

Photo credits to owner Isang waiter ang nagtangkang gahasain ang isang customer na babae sa isang KTV Bar sa Pasay City, Ayon sa kwento ...

Photo credits to owner
Isang waiter ang nagtangkang gahasain ang isang customer na babae sa isang KTV Bar sa Pasay City, Ayon sa kwento ng naging biktima na si Marra Zambrano sa kanyang facebook account isinalaysay nya ang pagtangkang pang gagahasa ng waiter sa kanyang habang sya ay kinulong sa isang kwarto. 

Kwento ng biktima, dahil may kausap sya sa telepono sinabihan umano ito ng waiter na maaring pumasok sa isang bakanteng kwarto upang marinig nya ng maayos ang kanyang kausap. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay doon na pala pagtatangkahin halayin ang biktima. 

Ayon sa facebook post ng biktima, isinaad nya na hindi nya inaasahan na mangyayari ito sa kanya, dahil sa una pa lang ay malapit ang suspek sa kanyang mga kasamang mga kaibigan noong gabing iyon, Lumabas saglit ang babae at sinundan naman ito ng suspek at tinanong kung kamusta ito, tumango lamang ang biktima at hindi pa din ito tinantanan ng suspek kundi sinamahan pa ito sa labas at sinubukang halikan ang babae. 

Nang isumbong naman ng biktima ang nangyari sa management ay di umano’y tinangka pa ng nasabing KTV bar na pagtakpan ang empleyado nila.

Narito ang buong istorya: 

Girls, remember this face. He’s a waiter from Music Bank and he attempted to rape me.

I was talking on the phone with my friend sa hallway, and this guy, na server namin mismo sa room, told me I can stay sa empty room sa tabi ko para marinig ko ng maayos kausap ko.

Kaclose nya naman mga friends ko so di ko naisip na may balak siyang masama. So I went inside, expecting he’d leave me alone sa room for privacy. But he asked me if I was fine and I nodded. He still didn’t leave and he sat beside me. He faced me and held my face, as in hinimas niya. And he tried to kiss me. I pushed him away but he pushed me back sa sofa. I stood up and attempted to go out of the room kasi slowly nya tinatry isara yung pinto but when I did, he hugged me tight at nanghipo siya almost everywhere and he told me, “wag ka magaalala mam, tropa ko friends mo” so I stopped and sabi ko sa kausap ko, “wait lang ha, may bastos dito eh” tapos tinulak ko na talaga sya, pinagmumura at sinabing may boyfriend ako and I went outside the room agad and dumeretso sa room namin. I immediately told them about what happened. Pinatawag nila sa room yung waiter at nung pinapaamin nila, dinedeny nya pa at sinasabing hindi siya yun at baka guest lang. Pero sumabat ako and I told him, “oh eh bat di ka makatitig sakin?” So my friends went to the management to check the CCTV.

We reported it sa management, expecting they’d do something about it. Pero nung kinausap nila kami, binabaligtad pa nila yung kwento. I was furious and I was shouting at them, I told them “ARE YOU SAYING I’M LYING?” I asked them to double check the CCTV so the manager went out and promised he’ll fix it. Pero ang tagal na ng time na lumipas at hindi sila bumalik. And when we got the bill, discounted yung isang bucket na inorder namin. I got offended. Really? Discount? After ng complaint namin, ang kaya niyo lang ibigay is discount? Ni hindi niyo man lang pinagsorry yung waiter sakin at hindi niyo man lang pinromise na paparusahan nyo? Tinawagan ko boyfriend ko and he went straight sa amin but when he arrived, hindi na mahagilap yung waiter. I started crying as in hagulgol and nagwala na ako sa music bank, I kept on shouting “haharassin ako ng empleyado nyo tapos ganun ganun lang? Ang kakapal ng mukha nyo! Tapos wala pang papansin sa reklamo ko? Iharap nyo sakin lahat ng servers nyo!” Tapos I decided to call my Mom. My Mom and my Tita immediately went to Music Bank, along with our attorney and police assistance they requested. BUT THE MANAGEMENT HID THEIR EMPLOYEE. Lumabas lang sya nung tatlong groups ng police from different places na yung pumunta.

I love music bank and my friends and I are regulars. But kung ganito ang management nila, don’t expect to be safe sa premises nila.

I was crying the whole time. Up until now sobrang drained ko parin kakaiyak at kakahintay sa police station para maprocess yung complaint. Sobrang wala akong lakas ngayon and I’m still scared sa lahat ng nangyari.

So to the management, SHAME ON YOU for harboring the criminal. And to you, Mr. Louie Drio, I hope you get the punishment you deserve. Mabait ako and I pity your family (pati baby mo) but I won’t let this slide. You should’ve thought about them bago mo ginawa sakin yun.

Pasalamat ka napigilan ng lahat yung boyfriend ko kaya hindi ka nabugbog.


NOTE: lumabas lang ako saglit para mag CR, palabas pa lang ako may kausap na ako sa phone hanggang sa makaakyat ako sa second floor kung san yung room namin. Pero since maingay sa room namin, hindi ako dumeretso dun at nagstay ako sa hallway. Hindi naman na masyadong maingay sa hallway pero di parin kami nagkakaintindihan ng friend ko, so when he offered, akala ko, concerned lang sya sakin as a guest. Also, nung unang beses siyang pinatawag sa room namin para kumprontahin, sinabi niya pang wala raw cctv dun kaya di raw machecheck. So my friends went out to check. Meron naman palang cctv sa hallway. Kahit di kita yung nangyari sa room, nakita kung pano niya ako pinapasok dun at kung pano ako lumabas (halata pang badtrip siya nung lumabas sya according to my friends).



credits to facebook.com/obalmarra
credits to facebook.com/obalmarra




What can you say about this story? Feel free to share your comment below!


Credits: Facebook

Related

Viral 8951106622146215753

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item