facebook

ANG LAKI NAMAN NG ITINAAS! Di na ako iinom nito! Php 9.00 ka lang dati anong nangyare?

Photo Credits to owner Malaki ang naging epekto ng pagtaas ng mga sugar sweetened beverages, Hindi maikakaila ang naging epekto nito la...

Photo Credits to owner

Malaki ang naging epekto ng pagtaas ng mga sugar sweetened beverages, Hindi maikakaila ang naging epekto nito lalo na sa mga konsumer at mahilig sa mga timplang inumin o mga softdrinks. 

Mahilig ang mga Pinoy sa matatamis na pagkain at nakaka relax na inumin katulad na lamang ng fruit flavored drinks na swak sa presyo ng nakararami. Kaya masakit na lamang sa iba na matanggap ang pagtaas ng presyo ng bilihin ng mga ito simula sa sari sari stores lalo na sa convenience at grocery stores. 

Sa isang post sa Facebook, makikita sa litrato ang pagkadismaya ng isang konsyumer dahil sa malaking itinaas ng fruit flavored drink sa isang grocery store sa Quezon City. 

Ayon sa post, hindi na sya iinom dahil sa dating murang presyong nagkakahalagang P9.00 lamang ay makakabili na sya ng isang litro ng tetra pack na juice ngunit ngayon dahil sa TRAIN Law naging doble na ito. 



Sa ilalim kasi ng panukalang tax reform, magkakaroon ng dagdag buwis ang "sugar sweetened beverages". Kapag nagkataon, mapapatawan ng P10 hanggang P20 buwis ang mga inuming may halong asukal gaya ng soft drinks, powdered juice, 3-in-1 na kape, at iced tea. 

Maalala noong nakaraang Mayo 2017 ay naapprobahan sa Kamara ang huling pagbasa sa House of Representative ang tax reform bill na isinusulong ng Pangulong Duterte. 

Sa panukalang batas, magpapataw ng mas mababang personal income tax o magkakaroon ng income tax exemptions. Hindi na bubuwisan iyong mga kumikita ng mas mababa sa P250,000 kada taon. 

Sa Senado naman ay ipinagmalaki ng isang panukala na hindi na papatawan ng buwis o income tax ang mga sumusweldo sa isang tao ng Php 250,000 pababa. 

Sa napagkasunduan kasi sa Senado, ang may taunang suweldo na lagpas ng P250,000 pero mababa sa P400,000 o yung sumusuweldo ng P21,000-P33,000 kada buwan ay papatawan ng 20% buwis sa halagang lagpas ng P250,000.

Isang paaanaliza naman ay maaring mapatay ang kita ng sugar industry dahilan sa mataas na pagtataas ng mga sugar sweetened beverages. 

Ang mga Sari Sari store owners ang mag kakaroon ng malaking epekto dito, giit ng mga Sari Sari Store owners, ang dati nilang nasa P600 na kita sa mga produktong ito kada araw mababawasan ng nasa P200.

Ayon sa United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), ang mga mahihirap din ang apektado sa tax reform na ito. 

Magkaiba ang bersiyon ng SSB tax ng Kamara at Senado na ibinase sa ginamit na klase ng pampatamis. Sa bersiyon ng Kamara, P10 ang ipapataw na buwis kada litro ng inuming gumamit ng lokal na asukal at P20 sa kada litro ng mga inuming ginamitan ng ibang pampatamis.


Source: ABSCBN NewsFacebook


Related

Trending 2599741698971733044

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item