facebook

VIRAL: Ikinatuwa ng mga Netizens ang Post ng isang Proud Daddy matapos makita ang Report Card ng Kanyang Anak

Photo Credits to Owner Isang proud Daddy ang nag post sa kanyang social media dahil ito ay napasaya ng kanyang anak ng makita ang naging...

Photo Credits to Owner
Isang proud Daddy ang nag post sa kanyang social media dahil ito ay napasaya ng kanyang anak ng makita ang naging resulta ng report card nito sa eskwelahan. 

Sa Facebook post mula kay E.i Baldo, mababasa sa kanyang post kung gaano ikinatuwa ng tatay ang nakita nito sa report card ng kanyang anak. 

Marahil karamihan sa ating magulang ay sobrang ang galak kapag ang kanilang anak ay nakakuha ng mataas na grado, ngunit iba ang naging sitwasyon ng mag Amang ito dahil sa kasamaang palad ay puro palakol ang naging grado ng kanyang anak. 

Congratulations anak nakapasa ka at grade 2 ka na next year. Galing mo! Napasaya mo ko lalo na ng sinabi mo na "dahan dahan lang po sa pag hawak ng report card kasi nakaka putol po ng daliri" 

Photo Credits to Owner

Photo Credits to Owner
Sa halip na mainis at malungkot ang ama ay naging proud pa ito sa naging resulta ng grades ng kanyang anak na mag ggrade 2 na sa pasukan. Sa halip ay nagbigay alaala din sa tatay kung ano ang naging resulta ng kanyang report card nung sya ay nag aaral pa. Katulad na katulad daw pala ito sa kanyang anak na puro palakol din ang natanggap na grado. 

(puro pala kasi palakol comedy ka rin) ok lang anak ganyan din naman report card ko nung araw parang throw back lang to.

Ayon sa kay Proud Daddy, di nya din pinangarap na umakyat sa entablado at sabitan ang kanyang anak ng medalya, may mabibili naman daw sa Recto ng mga medalya okay na ito para ibigay nya sa kanyang anak, biro nito. 

tsaka di ko naman pinangarap na magsabit ng medal sa stage bili na lang tayo sa recto at wala rin naman akong ipapamanang talino sayo. Pag igihan na lang natin next year baka sakali maka 79% na tayo. Saka yung 76% di biro yan ha lagpas pa rin yun sa passing na 75% yun kung baga may allowance pa..

Sa huli nagpasalamat pa din sya at ipinagmalaki nya ang kanyang anak hindi para ipahiya ito kundi para ipakita ang suporta nito sa kanya sa kabila ng mababang grado nito. 


Good job parin sayo anak kahit accelerated ka lang sa grade 1 at sa dami ng absent at late mo nakapasa parin.. #proudfather #likefatherlikeson #nomedalnoproblem #kaygandangbuhay #GodsGraceissufficient #opposingviews


Narito ang buong post

Photo Credits To Owner
Sa naging post nito ay maraming facebook users na din ang nagbigay kumento at umani ng maramig shares, likes at comments. Sa ngayon ay meron na itong 52k likes, 16,681 shares at libong comments. 

Ang ibang kakilala ng proud daddy na ito ay nag bigay din ng positibong kumento sa naging viral na post. 

Photo Credits to Owner

Photo Credits to Owner

What can you say about this story? Feel free to comment below. 

Don't forget to like and share this page The News Blogger for more trending and updated news.




SOURCE: Facebook

Related

Viral 8996623185886549991

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item