Bong Go May Hinahandang Programa Para sa Mga Nasunugan: "Sapatos ni Sap, Tsinelas ang ka-swap"
Photo credits to Concept News Central Sa tuwing sasapit ang tag-init sa Pilipinas isang trahedya din ang palaging kaduktong nito at it...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/05/bong-go-may-hinahandang-programa-para.html
Photo credits to Concept News Central |
Sa tuwing sasapit ang tag-init sa Pilipinas isang trahedya din ang palaging kaduktong nito at ito nga ay ang sunog.
SAP Bong Go nasaksihan ang sunog sa NCCC Mall sa Davao credits to the owner |
Madalas makakarinig tayo ng mga kababayan natin na nasunugan at ito na din ang trahedyang maituturing natin na isa sa pinakamahirap ahunan. Dahil kadalasan ang iyong mga pinagpaguran at ipinundar ay kasamang natupok at naging abo.
At minsan na nga nating napabalitaan na kahit na sa kabila ng kanyang busy schedule si SAP Bong Go ay pilit pading dinadalaw ang mga nasusunugan na kanyang napababalitaan. At sa tuwing pagpunta niya dito palaging iisa ang kanyang napapansin.
Photo credits to PressReader |
Photo credits to Philippine Star |
Kadalasan ay walang mga saplot sa paa ang mga nasusunugan o kaya naman ay nasamang nasunog ang kanilang mga sapatos kaya naman ibinibigay niya ang kanyang sapatos sa mga ito.
Ngunit para kay Bong Go tila hindi ito sapat dahil isang lang ang kanyang nabibigyan. Kaya naman napagisip-isip nito na gumawa nalang ng programa na tatawagin niyang "Sapatos ni Sap, Tsinelas ang ka-swap".
Photo credits to Sunstar Cebu |
Photo credits to Inquirer |
“Napansin ko kasi na sa lahat ng nasunugan, lahat ng gamit, lalo na yung sapatos naiiwan nila,Puwera pa roon sa mga estudyanteng nasunugan, alam ko po maraming estudyante pa na walang sapatos. Kanina may lumapit sa akin, yung tatay daw niya walang sapatos na pang-pasok sa trabaho.” Sabi nito.
Bukod dito para mas lalo pang madaming matulungan, inaanyayahan din niya ang publiko na magdonate ng mga sapatos. Dahil plano din niyang maglagay ng mga drop boxes sa mga mall.
Kuha mula noong pumunta si SAP Bong Go sa sunog sa Oroqueta St,.Sta Cruz Manila. Credits to Remate |
PERSONAL na namahagi ng mga relief goods si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa mga residenteng nasunugan sa Pasig City. Credits to Remate |
“Soon po, ipina-fine tune lang paano yung pag-collect kasi importante yung paano mo ire-retrieve ‘yung mga sapatos, kung saan nila ihuhulog, maglalagay po ako ng dropboxes all over the country, may kinausap na po akong mall, doon nila ihuhulog, I’m sure marami pang kumpanya na ang mga empleyado gustong mag-donate, mangonglekta kami at ipamimigay.” Dagdag nito.
Sa ngayon walang pang eksaktong date kung kelan maglalagay ng mga drop boxes sa mga mall. Ngunit sa mga gustong makatulong maaring na nilang itabi ang mga sapatos na gusto nilang ipamigay. Pero sana sa mga magdodonae siguraduhin na maari pang magamit ang mga ito.
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
Fact check, Source: PTV News
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.