Tatay na Hindi Sinipot ng Anak, Binigyang Tulong ng Isang Netizen
Photo credits to Facebook/ Buhay Pinoy Ano nga ba ang mas mahalaga, ang sarili mong kaligayahan o ang kaligayahan ng inyong mga magulan...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/05/tatay-na-hindi-sinipot-ng-anak.html
Photo credits to Facebook/ Buhay Pinoy |
Ano nga ba ang mas mahalaga, ang sarili mong kaligayahan o ang kaligayahan ng inyong mga magulang?
Photo credits to conapfam.pe |
Isang kataga ang kadalasan nating naririnig sa mga matatanda at ito ay ang "walang ibang nakakaalam kung ano ang mas makabubuti para sa kanilang mga anak kung di ang iyong sariling magulang."
Iba-iba man ang marinig nating opinyon ngunit pagdating sa usapang pamilya tila walang mali o tama para dito. Dahil kahit bali-baligtarin mo man ang mundo, maituturing na magkadugo padin kayo.
Photo credits to Ang Pintorero |
Photo credits to Buhay Pinoy |
Kaya naman isang netizen ang nagbahagi ng kuwento ng isang matanda na talaga namang nakakaantig ng puso. Ayon sa netizen na ito nakasabay daw niya ang matandang ito sa isang bus na pauwi sa kanilang lugar.
At nalaman niya na kulang pala ang pamasahe ng matanda at dahil hindi din niya napigilan na usisain ang matanda at dito niya nalaman na dapat pala ay makikipag kita ito sa kanyang anak ngunit hindi siya sinipot nito.
Photo credits to Buhay Pinoy |
Photo credits to Buhay Pinoy |
Ayon pa sa kuwento ng matanda isang beses sa isang taon lang sila kung magkita, sinubukan din niya hanapin ang kanyang anak ngunit, wala talaga hindi na niya makita ito.
Basahin ang buong post ng netizen:
"Habang pauwi ako galing Tacurong, may nakilala ako na at nakasakay sa bus(grand). Si tatay pero hindi kami magkatabi. Malapit ako sa likod nya pero makikita ko at nadidinig si tatay. Lumipat ako sa tabi nya kasi parang naguguluhan sya. Nung malapit na kami sa Buluan kulang ang pamasahe ni tatay tapos natanong ko sya kung sya lang mag isa bumabyahe.sumagot siya ng oo, dahil meron syang anak na lalaki na pinuntahan sa Tacurong pero di nya nakita ang anak nya doon. Naghanap siya ng mga ilang araw. Naawa ako kaya nagplano ako na kausapin nalang si tatay para makilala dahil pareho naman kami taga Kidapawan. Pagdating namin sa Kidapawan, kumakain kami ng Boyaks. Nawalan na daw sya pag-asa makita ang anak nya. Sa Lanao daw sya at isang beses isang taon nya lang makita ang anak nyang lalaki pero this time di man lang nya nakita. Wala na daw pakialam ang anak nya sa kanya. Sa awa ko binigyan ko na lang sya ng makakain nya para maginhawaan si Tatay. Tay, hindi mo ako nakilala ngunit talagang pinagpala ka namin. Nalulungkot ako at naluluha habang naririnig siya sa kanyang kwento pero gutom pa rin si Tatay kaya binigay ko na lang sa kanya ang aking pagkain. Walang wala din ako pero nagkaroon tapang para tulungan si Tatay kahit sa ganitong paraan at bigyan ng kaunting pera. Hinatid ko na lang si tatay sa kanila at naluluha ako nung umuwi at na narealized kung bakit nagagawa ng sariling anak ng ganun sa kanilang magulang. -yang😭💕"
Photo credits to Buhay Pinoy |
Hindi natin alam kung ano ang dahilan ng kanyang anak kung bakit isang beses lang sa isang taon kung magpakita sa kanyang tatay at kung bakit sa huli ay tila inabandona na nito ang kanyang tatay.
Ganun pa man nakakalungkot isipin na may mga ganitong uri pala ng anak na kayang talikuran ang kanilang mga magulang at kapag pumanaw doon lang magsisisi.
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
Fact check, Source: Buhay Pinoy
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.