Koko Pimentel Handa ng Iwan ang Presidential Senate Post, Para Mabigyang Pansin ang Kampanya Para sa Pederalismo
Photo credits to Koko Pimentel/ Facebook Usap-usapan na nga ang re-organization sa Senado at ang napusuang pumalit sa puwesto ni Piment...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/05/koko-pimentel-handa-ng-iwan-ang.html
Photo credits to Koko Pimentel/ Facebook |
Usap-usapan na nga ang re-organization sa Senado at ang napusuang pumalit sa puwesto ni Pimentel ay si Vicente Sotto III.
Photo credits to Concept News Central |
Sa kadahilanan na sa lahat ng mga Senador si Sotto na ang maituturing na mayroong pinakamatagal na serbisyo bilang isang Senador at dahil dito masasabi din natin na alam niya ang lahat ng mga pangyayari sa Senado.
Kaya naman buo ang tiwala nila na magagampanan ni Sotto ng maayos ang posisyon na naka abang para sa kanya.
Samantala, nagbigay si Pimentel ng kanyang reaction tungkol dito. Ayon sa kanya na simula't sapul alam naman na niya na ano mang oras ay pwede magkaroon ng pagbabago sa Senado, at hindi din siya na niniwala na pinagkaisahan siya ng kanyang mga kasama.
Photo credits to Koko Pimentel/ Facebook |
Dagdag pa ni Pimentel na gusto din nito magfocus sa pangangampanya ng pederalismo at pagtuunan din ng pansin ang kanyang pamilya.
"Yung time ko kasi gusto ko na rin ilagay sa federalism para po maintindihan ng ating mga kababayan. Sabi ng survey, konti lang ang nakakaintindi ng federalismo e adbokasiya po natin 'yan. Siguro dapat there's an effort, special attention, bigyan po natin ito ng oras kasi advocacy din ng party ito, ng PDP Laban," sabi ni Pimentel
Photo credits to Koko Pimentel/ Facebook |
Photo credits to Koko Pimentel/ Facebook |
Ayon pa sa kanya na mas makabubuti din daw na wala na siya sa pagiging Senate President kapag inumpisahan na niya, para hindi masabi na ginagamit niya ang kanyang posisyon.
"So para hindi mainfluence yung Senate committee na umiikot on constitutional revision, ito rin ang personal advocacy ko para hindi magamit ang Senate resources e ako na po ang iikot nang personal," dagdag nito.
Kung iisipin natin may tama naman si Pimentel sa aspetong ito. At sana sa kampanyang gagawin nito ukol sa pederalismo ay maipaliwanag niya ito ng maayos sa taong bayan, dahil kung ito naman ang magiging daan para maisaayos ang Pilipinas tiyak na papayag naman ang nakararami.
Photo credits to the owner |
Photo credits to Inquirer |
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
Fact check, Source: GMA
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.