Photo credits to Daily Express Nagbigay ilaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtulong ng Tsina at Rusya sa Pilipinas sa pamamagitan...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/05/walang-alyansang-ph-china-russia-pagkat.html
|
Photo credits to Daily Express |
Nagbigay ilaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtulong ng Tsina at Rusya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng truck, bala’t armas para sa bansa, hindi parin ito simbolo ng alyansa ng tatlong bansa.
|
Photo credits to PTV News |
Hiningian lang ni Duterte ng tulong ang dalawang bansa at sila’y sinagot ni Duterte ng,
"Both countries said no problem, we will give it to you."
Nasa P370-milyong pisong halaga ng armas ang ibinigay ng Tsina noong June 2017 at karagdagang 3,000 rifles noong Oktobre 2017. Ang Rusya nama’y nagbigay ng 5,000 Kalashnikov rifles at 20 militar na trak bilang suporta laban sa terorismo ng gobyerno.
|
Photo credits to syria.mil.ru |
|
Multipurpose trucks donated by Russia to the Philippines are parked on the dock prior to the turnover to President Rodrigo Duterte. Credits to Inquirer |
Kaya niliwanag ni Duterte na walang balak ang dalawang bansang magbuo ng alyansa,
"I'd like to tell you now na hanggang ngayon, walang hiningi 'yang papel pati lapis ang Russia pati China.”
Kanya ring nilinaw ang hindi mabubuong “alyansa” at isinalaysay ang kanyang dahilan kung bakit magkaibang bansa ang kinukuwaan ng armas.
|
China donated riffles, photo credits to Rappler |
|
Photo credits to The Diplomat |
"I never agreed to any alliance, and ayoko rin magbili ng armas sa isang source lang. Mahirap yan because if you agree to that, your country becomes a colony of that powerful country," sabi ni Duterte.
Sitwasyon sa West Philippine Sea
Sa ibang balita naman, ang dyaryong pagmamay-ari ng Tsina, Global Times, ay nagsabing pupwede bayaran ng Pilipinas ang kanyang mga utang sa pamamagitan ng pag-alay ng ating mga natural na yaman.
|
Photo credits to Inquirer |
|
Secretary Benjamin Diokno, photo credits to Manila Bulletin |
Ngunit ito’y kinontra ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang iaalay na isla’t teritoryo sa Tsina upang bayaran ang mga inutang sa kanila.
Hindi naman gagamit ng pwersang-Militar ang Pangulo patungkol sa isyu ng mga Intsik na “lumulusob” at nagpapatayo na ng mga base-Militar sa West Philippine Sea o South China Sea.
Ito’y pagkat balak ni Duterteng makipagtulungan sa kanila upang ma-explore at ma-exploit ang natural na kayamanan ng nasabing lugar, bukod rito, makatitipid ang Pilipinas sa hindi pag-alay ng budget ng gobyerno doon.
|
Photo credits to Philippine Star |
Kanya ring wais na sinabi na, "I will not embark on something, on a war or battle, that I cannot win."
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
THIS BLOG asserts no credit for any pictures posted on this website unless generally noted. Pictures on this blog are copyright to its respectful owners. Photos utilized are for illustration purposes only. We don't claim the photographs and no copyright infringement is intended if there is a picture showing up on this blog has a place with you and does not wish for it appearance on this website, please email us with a connection to the said picture and it will be expeditiously brought down.