facebook

Sa Wakas, Ardot Parojinog nahuli narin matapos ang 10-buwang pagtatago sa Taiwan.

Photo credits to RMN Ang raid ng Philippine National Police (PNP) sa bahay ng Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog ay isa sa p...

Photo credits to RMN
Ang raid ng Philippine National Police (PNP) sa bahay ng Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog ay isa sa pinakamadudugong engkwentro sa kasaysayan ng Pilipinas pagdating sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot. Nakumpirmang pa+ay ang Mayor at 15 iba pa sa engkwentrong iyon. 

Photo credits to GMA
Sina Ozamiz Vice Mayor Nova Parojinog-Echavez at Reynaldo Parojinog Jr. nama’y ikinulong sa PNP Custodial Center habang si Ozamiz councilor Ricardo “Ardot” Parojinog naman ay hindi na nakita muli.

Ngunit kamakailan lamang, nahuli narin sa wakas si Ardot Parojinog ng Taiwan Police ng Pingtung Country matapos ang 10 buwang paghahanap.

Latest photo of Ardot credits to RMN
Photo credits to World News
Binalita ng ABS-CBN na sinuko ng dating mga kasamahan ni Ardot ang kanyang kinaroroonan matapos silang hulihin. Binigay naman itong impormasyon ng PNP sa pulis ng Taiwan at kanilang hinuli sa wakas ang councilor ng Ozamiz.

Nahuli ang mga dating kasamahan ni Ardot matapos nilang i-raid ang dalawang bahay ni Aldong. Kanilang nadiskubre bukod sa mga kasabwat ng magkapatid na nasangkot sa drog@a ang 2 anti-tank rockets, 2 rocket-propelled grenades, iilang rifle grenades at iba’t-ibang armas. Kinumpiska rin nila ang 2 pakete ng hinihinialang drog@’t iilang granadang nakatago sa bukid na pagmamay-ari ng mga Parojinog.

Photo credits to GMA
Photo credits to World News
Walang inilabas na salaysay ang Malacanang ngunit hinahanda na ng PNP ang isang grupong susundo kay Ardot sa Taiwan at mag-uuwi sa kanya sa Pilipinas.

Isang taon na ang nakakalipas matapos itaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bounty na Php. 5-milyong piso para sa impormasyon sa kinaroroonan ng mga Parojinog. Kanya ring hinikayat ang mga off-duty na sundalong i-hunt ang mga nasabing politiko.

“Kaya kung wala na kayong magawa, off duty, suroy-suroy mo diha sa bukid, hunting-in ninyo iyan kasi that’s P5 million,” sabi ni Duterte.

Photo credits to UNTV
Kuha sa papel na tinangkang isubo ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog. Credits to ABS-CBN

Bukod sa Php 5-milyon, bibigyan rin ng amnestiya ang mga kasabwat ni Ardot kung kanilang mabibigay ang lokasyon ng councilor.

“I do not care if he’s really a complicit of Ardot. Kung kasama niya, dadalhin niya iyong ulo, abswelto ko na siya,” igniit ng Pangulo.

Dahil rin rito sa kagustuhan ni Duterte, naglabas rin ng lookout bulletin ang Department of Justice laban kay Ardot.

Lookout bulletin for Ardot Parojinog. Photo credits to good news network ph
Nakakatuwa ring isipin na nahanap na rin ang huling miyembro ng pamilyang narco-politicians. Madadala na rin sa kumpletong hustisya ang kanilang pamilya’t mapagbabayaran na rin ng mga Parojinog ang kanilang dinalang paghihirap sa kanilang lungsod bagkus ang kanilang iligal na droga.

Fact check, Source: Pinoytrend

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Related

Daily updates 2956421932017866479

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item