facebook

Duterte to the current status of VP recount: “Tutal gusto ko nalang rin mag resign eh....”

Duterte to the current status of VP recount: “Tutal gusto ko nalang rin mag resign eh....” Robredo, Duterte, Marcos in the photos/ Image ...

Duterte to the current status of VP recount: “Tutal gusto ko nalang rin mag resign eh....” Robredo, Duterte, Marcos in the photos/ Image credit to CNN Philippines

Fake news man ang tingin ni Bise-Presidente Leni Robredo sa isinapubliko ni dating Biliran Representative Glenn Chong patungkol sa 21,000 botong binaliwala ng manual recount ng mga revisors ng Presidential Electoral Tribunal (PET) pagkat may mga balotang noo’y nabilang kahit na hindi ito nakakaabot sa 50% shading threshold. 

Malaki parin ang kailangan tahakin ng mga boto para kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang lehitimong mapatunayan na siya’y dinaya at ang karapat-dapat na Bise-Presidente.


Glen Chong and Vice President Leni Robredo/ Image credit to TrendStarNews

Ngunit hindi nito nagawang antalain si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dating kaalyado ni Marcos sa 2016 Eleksyon.

Sa isang salaysay ng Pangulo sa Palasyo kung saan kanyang dinedepensahan ang sarili sa mga walang-saysay na akusasyon ni dating Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno, sinabi ni Duterte na siya’y handang magretiro sa pagkaka-Pangulo.

“Wala talaga, wala akong tinatago, sabihin mo sa gag@ng yan (Sereno), wala akong pakialam diyan, she got herself into it and it’s not because of us, not because of Congress,” sabi ng Pangulo.

“Sinabi ko nga kung may magsabi lang na isa dito, anyone of you, magsabi na ‘tumawag ka sakin, nakalimutan mo may kinausap ka?’ mag resign ako, totoo yan,” kanyang idinagdag.

Ngunit bago magretiro, gustong masigurado ang Pangulo kung sinong sasalo sa mga responsibilidad na kanyang iiwanan. Ito’y umabot sa punto’y tinanong niya ang mga nakikinig kung ano na ang sitwasyon ng recount ng PET.

“Tutal gusto ko nalang rin mag resign eh, ano ba itong latest count kay Bongbong (Marcos) pati kay ano (Leni Robredo), Vice President ba talaga yan?” Tinanong ni Duterte.


Mukhang hindi nais ng Pangulong mapasakamay ni Robredo ang upuan ng pagkaka-Pangulo. Ano man ang maging rason ni Duterte rito, tayo’y nakakasigurado na hindi magiging taga-Liberal Party ang magiging lider ng bansa.


















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.










Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Related

Daily updates 654149278821517712

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item