facebook

Mocha Uson to Kris Aquino: "I decline to apologize for the reality, Kris quickly reacts..."

KRIS AQUINO May BWELTA Agad sa SAGOT ni MOCHA USON Na "This is not about Kris Aquino"!/ Image credit to Trendz Today Sa bidyo...

KRIS AQUINO May BWELTA Agad sa SAGOT ni MOCHA USON Na "This is not about Kris Aquino"!/ Image credit to Trendz Today
Sa bidyong isinapubliko ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson na naglalaman ng paghalik ng tatay ng aktres Kris Aquino, dating Senador Benigno Simeon “Ninoy” Aquino, sa mga kababaihan ng eroplano, sumiklab ang isang away na puno ng drama mula sa aktres.

Image credit to PhilNews.XYZ

Dinedepensahan ni Mocha Uson ang halik na natanggap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang Pinay ng South Korea sa pamamagitan ng pagkumpara rito sa halik na nakuha ni Ninoy sa kanyang tagasuporta sa eroplanong sinasakyan. Ngunit mukang naging personalan ang isyu’t naging daan upang magpasiklaban ang si Asec. Uson at Kris.

Binanatan naman ng Facebook post ni Kris ang Communications Asec sa pagsasabing siya’y nasasaktan sa isinapublikong bidyo ng kanyang tatay.

Ngunit binawian ito ni Asec. Uson sa pagsasabing ang totoong isyu ay ang mga panghuhusga sa Pangulo matapos niyang makatanggap ng halik mula sa isang kasal na pinay sa South Korea.

Iginiit ni Asec. Uson na,

“This is not about Kris Aquino, tungkol ito sa paglalagay malisya sa isang halikItinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay niya. Ms. Aquino this is not about you.”



At sa sumunod na Facebook post, kanyang iniliwanag na,

“With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth.” 
Dali-daling nireplayan ito ni Kris at sinabing,

 “Sino ang humalik? Ganoon kasimple.”

Sinabi niya kay Asec. Uson na kung ito’y tungkol sa miyembro ng kanyang pamilya, ito rin ay patungkol sa kanya.

“if it is about my father or mother, this is also about me.”

Pinunto niya rin na kung si Special Assistant to the President Christopher Bong Go ay humingi ng tawad, bakit hindi magawa ni Asec. Uson na tularan ang kanyang boss.

“Boss niya na po ang nagsasalita, sinasabi kong boss niya kasi nag ta-trabaho siya sa Malacanang, at yung pinakamalapit at yung pinagkakatiwalaan ng Presidente, siya nagawa niyang mag sorry sakin,” sabi ni Kris.


Image credit to PhilStar

Kanya ring dinagdag na may galit pa daw ang Communications Assistant Secretary.

“Pero si Miss Uson, galit pa, okay,” dinagdag ng aktres.

Iginiit ni Kris na sila’y hindi miyembro ng Liberal Party na krinikritiko ng mga taga-suporta ni Pangulo. Inaasahan niyang magpapakatatag si Go sa kanyang mga sentimo para sa mga Aquino at naliwanagan siya pagkat ang isyu na ito’y nagpatunay na marami pang mga sumusuporta sa kanyang mga magulang.

“Mocha, you’re right this is not about Kris Aquino. This is a reminder that Filipinos still love and respect and Cory and Ninoy Aquino,” iwinakas ni Kris.





























What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.













Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.

Related

Viral 200007855115709126

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item