facebook

Saan aabot ang Php20 mo? Isang College Grad Ibinahagi kung Paano Niya Nalagpasan ang Php20 na Allowance Araw-Araw!

Kilalanin si Robin Lee Metiam. Imahe mula sa kanyang Facebook account Tila isang advertisement nanaman ng Cornetto ang pinost ng isa...

Kilalanin si Robin Lee Metiam. Imahe mula sa kanyang Facebook account

Tila isang advertisement nanaman ng Cornetto ang pinost ng isang kakagraduate lang sa kolehiyo na si Robin Lee Metiam na mula sa Tarlac State University (TSU) na nagaral ng Electrical Engineering. Ito’y pagkat sa loob ng 5 taon, 20 pesos lang ang kanyang baon araw-araw! Kasama na rin dito ang kanyang pamasahe?

Image credit to Facebook/ Robin Lee Metiam

Hindi naging hadlang ang napakaliit niyang baon upang makapagtapos siya ng kolehiyo at patunayan ni Metiam na kahit hindi sapat, possible paring makamit ang inyong mga pangarap sa ganitong halaga.

“Hanggang saan aabot ang 20 pesos mo?”

20 pesos…

marahil halos lahat tayo hindi kayang mabuhay sa araw araw na 20 pesos lang ang pera…lalong lalo na sa mga estudyante na kung titignan ehh parang sa pamasahe palang ehh ubos na…

20 pesos…dyan sa halagang yan umikot ang limang taon ko sa kolehiyo…”

Ikwinento ni Metiam na noong siya’y highschool nasa 50 pesos kada araw ang kanyang buhay pagkat nagtratrabaho pa ang kanyang ama ngunit noong siya’y nagsimulang magkolehiyo, nawalang ng trabaho ang kanyang tatay na sumusustento sa kanilang pitong magkakapatid.

“7 pesos pamasahe papuntang eskwelahan
7 pesos pamasahe pauwi ng bahay
6 pesos ang natitira na aking inuunti-unting ubusin sa buong araw…(presyong pang palamig at isang pirasong kendi lang),” kanyang iginiit.

Mahirap nga talagang i-budget ang 20 pesos at hindi na niya dinemanda ang kanyang mahirap na pamilya ng karagdagan pa pagkat nagpakatatay ang kanilang panganay habang ang mas nakakatandang kuya niya’y tumigil sa pagaaral upang siya’y makapagtapos.

“7 pesos pamasahe papuntang eskwelahan(Wala ng pauwi kasi nag lalakad na lang ako)
2 pesos for Tithes (Syempre matik na yan)
11 pesos ang natitira (Isang palamig at isang tinapay na ang nabibili ko sa mag hapon hahaha),” dinagdag ni Metiam.

Ang kanyang “Tithes” na tinutukoy ay ang para sa kanyang simbahan pagkat sa harap ng kanyang paghihirap nadiskubre niya ang kristiyanismo. Hirap rin ng buhay ang pumilit kay Metiam na magtrabaho upang masustentuhan ang sarili at matulungang ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi parin nagbago ang kanyang kawsa sa buhay na 20 pesos lang!

Matapos ang dalawang taon sa kolehiyo, pinagpala si Metiam ng isang Department of Science and Technology Scholarship. Ngunit dahil sa kanyang kinasanayan, tinuloy niya parin ang kanyang 20 pesos budget.

20 pesos is real. kaso iba na ang budgeting ko..
20 for food allowance sa isang buong araw(nakahiwalay na ang budget para sa pamasahe, other gastos, at syempre pati ang Tights and Offering for the Lord sa tuwing matatanggap ko yung allowance ko sa DOST)” 

Hanggang sa makapag-graduate ang si Metiam ay kanyang itinuloy ang 20 pesos niyang budget. At ng kanyang linungin ang kanyang pinanggalingan, pinasalamatan niya ang Diyos sa leksyong natutunan niya, na 20 pesos lang sapat na!

Ito ang buong post ni Metiam na kanyang pinost sa kanyang social media account at umani ng iba't-ibang papuri sa netizen. Sa katunayan ay umabot na ito sa libo-libong shares sa Facebook:

Image credit to Facebook/ Robin Lee Metiam

Image credit to Facebook/ Robin Lee Metiam

Image credit to Facebook/ Robin Lee Metiam

Image credit to Facebook/ Robin Lee Metiam

Image credit to Facebook/ Robin Lee Metiam

Image credit to Facebook/ Robin Lee Metiam

Image credit to Facebook/ Robin Lee Metiam


Dahil rin sa pinagdaanan niya siya’y tuluyang natutong tumiwala sa Diyos, magtyaga at pahalagahan ang kanyang mga pagmamay-ari.

Itong kwento sana’y maging hamon sa lahat ng Pilipinong laki rin sa hirap tulad ni Metiam na kung tayo’y hindi sumuko’t patuloy na magtititwala sa Diyos may aabutin din ang ating 20 pesos.
















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


















The News Blogger SOURCE: Facebook/ Robin Lee Metiam | Definitely Filipino

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


Related

Trending 8992041915848030860

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item