Hindi Pa Huli Ang Lahat: Mga Bilanggo Grumaduate sa Loob ng Bilibid
Photo credits to the owner Hindi ibig sabihin na kapag ang isang tao ay nakulong dahil sa isang krimen ay wala ng pag-asang magbago. Da...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/05/hindi-pa-huli-ang-lahat-mga-bilanggo.html
Photo credits to the owner |
Hindi ibig sabihin na kapag ang isang tao ay nakulong dahil sa isang krimen ay wala ng pag-asang magbago. Dahil lingid sa ating kaalaman ang bilangguan ay nagbibigay din ng mga programa at aktibidades na makakatulong sa kanila.
Photo credits to the owner |
Kaya naman laking pasasalamat ng mga inmates na ito dahil muli silang binigyan ng pag-asa na makapag-tapos sa tulong nila Dr. Rexy Morales ng chief Training and Education Department ng BuCor, University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) president na si Anthony Tamayo at Dr. Daisy Tamayo na tumatayo bilang vice chair ng UPHSD Board.
Ang UPHSD-Bilibid Extension School ang naging daan ng mga inmates na ito upang makamit nila ang kanilang mga pangarap na makapagtapos kahit na sila ay nasa loob ng bilibid.
Photo credits to Rappler |
Photo credits to Dennis Capara Abrina/ SAYS Malaysia |
At noong May 24, 2018 nagbunga nga ang mga pinaghirapan ng mga 37 inmates students dahil nakamit nila ang inaasam na diploma.
Sa 37 na grumaduate, 18 dito ang kumuha ng Bachelor of Science in Entrepreneurship at 19 naman ang kumuha ng Computer Hardware Servicing. Ang event na ito ay dinaluhan din ng mga kamaganak ng mga nakakulong at ang mga nagsilbing guro sa mga gragraduate.
Photo credits to Rappler |
Photo credits to SAYS Malaysia |
Samantala ang extension school na ito ay nagsimula noong pang 1985 na hanggang sa ngayon ay nagbibigay padin ng tulong sa mga bilanggo na gustong makapagaral at makapagtapos ng kolehiyo.
Sa kasalukuyan mayroon na silang mahigit 500 student inmates na grumaduate sa iskuwelahan na ito at yung iba na nakalaya na ay kasalukuyang may mga trabaho na.
Photo taken during the 26th commencement of UPHSD bilibid extension school. Credits to University of Perpetual Help |
Photo credits to University of Perpetual Help |
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
Fact check, Source: PTV News
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.
Ang marami sa immates ay talagang di masama. Ang iba ay ipinain lang ng mga maykayang bumayad para di sila makulong at ang iba ay nakagawa ng masama dahil sa kahirapan. Kaya di sila dapat pagkaitan ng trabaho oras na lumabas sa bilangguan lalo na at may diploma. Gusto rin nilang mabuhay ng normal kasama ang mahal sa buhay.
ReplyDelete