COA, Umapila sa P767.72-Milyong Binayad ng OSG sa mga "Foreign Law Firms" noong Termino ni PNoy
Dating Pangulong Noynoy Aquino at Dating Solicitor General Florin Hilbay/ Image credit to the owners Sa termino ni dating Pangulo Ben...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/06/coa-umapila-sa-p76772-milyong-binayad.html
Dating Pangulong Noynoy Aquino at Dating Solicitor General Florin Hilbay/ Image credit to the owners |
Sa termino ni
dating Pangulo Benigno “Noynoy” Simeon Aquino III, nasa halos P767.72-milyon ang ibinayad ng Office of the Solicitor General (OSG) para sa attorney’s fee ng mga foreign law firms na iniripresenta ang
Pilipinas sa tatlong kasong pang-internasyonal. Ito’y naging sanhi para
simulang kwestyonin ng Commission on Audit (COA) ang napakalaking nagastos ng
OSG.
Photo for illustration purposes only/ Image credit to PhilNews.XYZ |
“The engagement of private
lawyers and law firms for legal services and professional fees was unauthorized
due to the absence of prior acquiescence of the OSG and written concurrence of
COA pursuant to COA Circular No. 95-011, as amended by COA Circular No. 980002
dated June 9, 1998,” iginiit ng COA.
Sa ulat ng
taon-taong audit ng COA sa OSG, iginiit
ng ahensya na sila’y hindi sinabihan ng OSG patungkol sa kanilang kinuhang
mga abogadong na nagrerepresenta sa bansa sa mga kasong arbitration ng Pilipinas
laban sa China na may koneksyon sa pag-aagawan sa mga isla ng West Philippine
Sea.
Bukod rito hindi
rin inireporta ng OSG ang pagkuha nila ng dalawang pribadong dayuhang law firms
para sa mga kasong inihain sa International Centre for Settlement of Investment
Disputes (ICSID) laban sa bansa.
Ang mga
pribadong dayuhang law firm na Foley Hoag LLP ay sumingil ng nasa P149,060,125.61
para sa bayad sa mga abogado nilang rumepresenta sa Pilipinas sa International
Arbitral Tribunal noong 2013 hanggang 2017.
Nasa P200,809,586.84 naman ang binayad sa
dalawang dayuhang law firms na Paul Hastings, Janofskyat Gibson, Dunn, and
Crutcher (GDC) LLP para sa legalidad ng negosasyon ng Metro Rail Transit
Corporation at ng gobyerno. Ikwinestyon rin ng COA ang dahilan sa pagpalit ng
law firm ng OSG sa nasabing kaso.
Ang pinakamalaking ibinayad sa gobyerno
para sa kanilang propesyonal na serbisyo ay ang sa White and Case LLP. Sila’y
binayaran ng P417,853,362.24 para magbigay ng ligal na gabay sa international
arbitration case ng BaggerwerkenDeCloedt En Zoon N.V. laban sa Pilipinas. Ito’y
bunga sa pagkakamali ni Aquino na isinawalang-bahala’t ang dredging contract ng
Laguna Lake ng nasabing Belgian investor na pinirmahan ng naunang Pangulo
Gloria Macapagal-Arroyo.
Atty. Florin Hilbay. Photo for illustration purposes only/ Image credit to the owner |
Ikinadismaya rin ng COA ang tagal ng
paglikom at pagpasa ng mga dokumento’t kontratang kanilang hiningi sa loob ng
limang working days.
“Likewise, the selection and termination processes in
the engagements of private lawyers and law firms were not clearly recorded/transmitted
to the COA office,” huling sabi ng COA.
Ikinontra naman ito ng OSG sa rasong walang
lisensya ang ahensya upang mag-practice
ng law patungkol sa international tribunals. Bukod rito’t
batay sa COA Circular No. 95-011, hindi rin daw nila kinakailangang sulatan at
mauwi sa pagsasang-ayon ng COA pagdating sa kanilang pagkuha ng mga dayuhang law firm.
Ngunit ipinunto ng COA na kanila lang
ginagawa ang kanilang trabaho’t intensyon nila’y,
“curb unauthorized and unnecessary disbursement of
public funds, thus, the nature of engagement of lawyers/law firms and he
procuring agency is immaterial.”
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
The News Blogger SOURCE: Manila Bulletin
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.