Former LP at PTV Journalist, Ibinuking na Diumano ang Mga Balota galing Iloilo ay Nakalagay lang sa Picnic Boxes?
Former LP at PTV Journalist, Ibinuking na Diumano ang Mga Balota galing Iloilo ay Nakalagay lang sa Picnic Boxes?/ Image credit to the ow...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/06/former-lp-at-ptv-journalist-ibinuking.html
Former LP at PTV Journalist, Ibinuking na Diumano ang Mga Balota galing Iloilo ay Nakalagay lang sa Picnic Boxes?/ Image credit to the owners |
Dahil sa apila ni dating Senador Ferdinand
“Bongbong” Marcos Jr. sa Commission on Election (COMELEC) sinimulan ng Korte
Suprema, ang tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang muling
pagbilang nga mga boto sa Bise-Presidente noong Eleksyong 2016.
Ikinagulat ng PET ang mga laman ng mga balot boxes ng Camarines Sur, ang
probinsya ng Bise-Presidente Leni Robredo, pagkat kanilang nadiskubre ang mga
basang balota’t mga dokumento ng eleksyong pinaghalo-halo’t pupwedeng
magsilbing ebidensya ng election fraud.
Retrieval of ballot boxes from Camarines Sur for the electoral protest/ Image credit to Twitter |
Ngunit pagdating ng PET sa Iloilo, kanilang
nadiskubre ang mas nakakadismayang kondisyon ng eleksyon. Ibinunyag ni
beteranong mamamahayag Erwin Tulfo at ng abogado ng PET Atty. Glenn Chong ang
mga balotang nalikom na nasa loob ng plastic picnic boxes.
Image grabbed from Facbeook/ Glenn Chong |
Nasabi ni Chong na,
"PICNIC NI MAC AT LENI. Sa
halip na pagkain, inumin at chichiriya ang dala nila, election documents ang
nasa loob ng kanilang picnic boxes. Sa ilang presinto sa Iloilo, sa halip na
nasa loob ng ballot boxes ang mga election documents, ito ay nasa loob na ng
mga picnic boxes just as shown in the picture. May mga ballot boxes din na basa
na naman ang mga laman na election documents. Ito ay malinaw na patunay ng post-election
tampering. Mas masahol pa ang nangyari sa mga balota sa Iloilo kaysa sa
Camarines Sur,"
Kinomento naman ng Facebook blog page ni RJ
Nieto, ThinkingPinoy, na,
"Yan raw yung kinalalagyan
ng mga balotang pinadala sa PET mula sa Iloilo. Hala, balota pala ang laman
nito? Akala ko e ibinebentang ulam."
Kuha naman sa bidyo ni Tulfo ang realidad
ng eleksyon sa Iloilo pagkat kanyang nakuwaan ang mga plastic picnic boxes na
nagsilbing silid ng mga balotang dapat nasa mga plastic balot boxes na
walang katumbas ang seguridad.
Hindi makapaniwala si Tulfo sa kanyang
nakita, ano pa ba ang kailangang ebidensya upang mapakitang may pandadayang
nangyari noong Eleksyong 2016?
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
The News Blogger SOURCE: www.citizenexpress.today | Facebook/erwintulforeal/videos | Facebook/Glenn Chong
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.