facebook

'Garin at Abad, Nasaan na ang P10.6 bilyon na pondo para sa mga Senior Citizen?'

'Garin at Abad, Nasaan na ang P10.6 bilyon na pondo para sa mga senior citizen?' / Image credit to the owners Itong nadiskub...

'Garin at Abad, Nasaan na ang P10.6 bilyon na pondo para sa mga senior citizen?' / Image credit to the owners

Itong nadiskubreng pagaalinlangan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay nakakadismaya pagkat ginamit nila ang pangalan ng mga nakapagsilbi na sa bansa, mga mamamayang nagpapahinga sa korupsyon. Ang nasa 10.6-bilyong pisong pondo ng PhilHealth para sa mga senior citizens ‘di umano’y iligal na nilipat sa mga pang probinsyang health centers ng Department of Health (DOH) noong Disyembre 2015.

For illustration purposes only/ Image credit to Rappler

Ang timing ng insidente ng paglipat ng pondo’y nakakapanghinala at ito ang nag-udyat para hinalaan ng mga Kongresista na ito’y katiwaliang gagamiting pangpondo sa kampanya sa eleksyon ng Liberal Party (LP).

Ruben John Basa-PhilHealth/ Image credit to PhilHealth
Ayon nga kay Ruben John Basa, ang Ehekutibong Bise-Presidente ng PhilHealth, na hiningi ng Presidente ng PhilHealth Alex Padillla at dating DOH Secretary Janette Garin na ilipat ni dating Department of Budget and Management Secretary Florencio Abad ang 10.6-bilyong pisong halagang Miscellaneous Personnel and Benefits Fund (MPBF) para sa budget ng proyekto ng DOH noong 2015. Ito’y ihinain ni Garin at Padilla sa pamamagitan ng isang sulat na may petsang Agosto 5, 2015.

Photo for illustration purposes only/ Image credit to the owners

Ikinadismaya ito ng tunay ni Senador Joseph Victor Ejercito pagkat base sa kanyang hihinain, nasa mahigit tatlong beses na malupit ito kumpara sa nadiskubreng insidente ng Dengvaxia.

“The diversion of the PhilHealth fund intended for the benefits of senior citizens, for me, is a heinous act three times more cruel than the Dengvaxia fiasco,” sabi ni Sen. Ejercito.

Tila walang panghihinayang ang korupsyon ng administrasyon ni dating Pangulo Benigno Simeon Aquino III, at nagawang idagdag ng Senador na,

“I can only describe this act as heartless and insensitive to the condition of our senior citizens.”

Bukod riyon, hinihinalaan din ng Kongreso ang LP dahil sa ebidensyang ito. Pangkampanya nila’y galing sa korupsyon para sana sa ikabubuti ng bata’t matatanda, nakakahiya pagkat ang Dengvaxia’y inilalagay ang buhay ng kabataan sa alanganin at itong pag-gamit sa pangalan ng mga senior citizens ay korupt na pinagkakait ang ikabebenipisyong kanilang karapat-dapat tanggapin. Kung ganito gagawin ng LP para lang may maging simpleng pondo sa eleksyon, hanggang saan kaya aabot ang kanilang nagagawang pangungurakot?
















What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.



















The News Blogger SOURCE: PhilStar | Facebook/frontpagephilippines

Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.


Related

Daily updates 3469950037624408540

Post a Comment

emo-but-icon

Popular Posts

Hot in week

item