iPhone Stealing Episode, Mainit na Usapin! DOLE Usec. Paras Kinuha Diumano ang Cellphone ni Akbayan Party-list Rep. Villarin?
Paras Vs. Villarin, Huli sa CCTV na kinuha diumano ni DOLE Undersecretary Paras ang telepono ni Villarin/ Image credit to balita.definitel...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/06/iphone-stealing-episode-mainit-na.html
Paras Vs. Villarin, Huli sa CCTV na kinuha diumano ni DOLE Undersecretary Paras ang telepono ni Villarin/ Image credit to balita.definitelyfilipino.com |
Huling-huli sa kuha ng CCTV ang pagnanakaw ni Department of Labor and Employment Undersecretary Jing Paras sa telepono ni Representative Tom Villarin sa mismong House of Representatives itong March 20.
Image credit to Philippine Star |
Image credit to Inquirer News - INQUIRER.net |
Kinasuhan ng theft ang nasabing
undersecretary sa Quezon City Prosecutors Office pagkat konkretong ebidensya
ang kuha ng CCTV na ito.
Ayon sa kwento ni Villarin, nagkita ang
dalawa pagtapos ng isang hearing. Hindi
niya raw kilala si Paras ngunit siya’y nilapitan nito’t sinabi na magkaalyado
daw si Villarin at Senadora Risa Hontiveros sa Akbayan partylist.
“Kayo pala ni Hontiveros ang magkasama.”
Naramdaman ni Villarin ang malisyosong
intensyon ni Paras ngunit labag sa kaalaman niya’y ito pala ang balak!
Maaaring naghudyat ang pagkakadawit ni
Villarin sa galit ni Paras kay Hontiveros pagkat noong si Paras pala’y miyembro
ng Volunteers against Crime and Corruption (VACC) at dating kongresista ng
Negro Oriental. Kinasuhan niya pala si Hontiveros ng obstruction of justice,
kidnapping and abuse and exploitation of minors pagkat hinihinalaan niyang
tinatago ng senadora ang mga kabataang witness sa pagkakamatay ng 17-anyos
batang si Kian Delos Santos.
Image credit to Inquirer News - INQUIRER.net |
Ayon naman sa theft complaint, kinausap daw
ni Paras si Villarin at kanyang pinatong ang telepono sa ibabaw ng iPhoneX ni
Villarin na parehong nasa ibabaw ng lamesa.
Nakalathala sa complaint ang susunod na,
"Afterwards, the Respondent (Paras) picked up
both cellular phones from the table and left the De Venecia Hall. He then
proceeded to Zulueta Hall on the second floor of the same building.”
Hindi makakatakas rito ang si Paras pagkat
kuhang-kuha ng CCTV ng House of Representatives ang parehong pagkuha at
pag-iwan ng telepono ng kongresista sa ibang kwarto. At ito ang naging hudyat
upang tuluyang kasuhan ni Villarin si Paras.
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
Source: PhilStar | News5Everywhere
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.