Isumbong kay Duterte! Isang Security Guard ang Umaapila, Tungkol sa Kinakaltas ngunit hindi Hinuhulugang Benepisyo ng kanyang Employer!
Isumbong kay Duterte! Isang Security Guard ang Umaapila, Tungkol sa Kinakaltas ngunit hindi Hinuhulugang Benepisyo ng kanyang Employer!/ I...
https://newsmakerphilippines.blogspot.com/2018/06/isumbong-kay-duterte-isang-security.html
Isumbong kay Duterte! Isang Security Guard ang Umaapila, Tungkol sa Kinakaltas ngunit hindi Hinuhulugang Benepisyo ng kanyang Employer!/ Image credit to Facebook |
Isang
simpleng security guard lang si Elicer Sanico Hudith RCrim ngunit sa harap ng katiwalian ng kanyang ahensya na Gamilla Security Services Inc.,
kanyang nagawang umapila sa Facebook at hingiin ang tulong ni Pangulong Rodrigo
Roa Duterte.
Taong tatakbuhan pag nagkakaproblema, ito
ang nakikita ng masang Pilipino sa ating Pangulo pagkat sa pagkadami-daming
pangulong dumaan, siya lang ang sumasagot sa mga problemang hindi mairesolba ng
simpleng mamamayan.
At itong pagturing kay Duterte ang
ipinairal ng gwardyang nananawagan sa Pangulo pagkat may isang taon nang
pinapairal ng kanyang ahensya ang katiwaliang pagkakaltas sa kanilang sweldo ng
mga kontribusyon sa kanilang mga pondo sa Social Security System (SSS) at Pagtutulungan
sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industria at Gobyerno (PAG-IBIG).
Image credit to Facebook/ Elicer Sanico Hudith |
Image credit to www.gamillassi.com |
Benipisyo sana ang matatanggap ng mga
gwardya ng Gamilla Security Services ngunit ito’y ipinagkakait ng ahensya
pagkat kanilang binubulsa ang kinakaltas sa sahod na pondo para sa nasabing mga
insurance.
Kaya sino pa ba ang tatakbuhan ni Elicer Sanico Hudith RCrim kundi ang Pangulo
mismo!
Bukod sa kanyang post ay may inilakip siyang bidyo ng paguusap niya sa
kanyang amo’t may-ari ng ahensyang kanyang pinagtratrabahuan.
Sa
kanyang Facebook post, iginiit ng gwardya na,
“Sana makarating po ito kay PRRD para
maimbistigahan at matokhang na itong mapang-api at gahaman na Gamilla Security Services Inc.
Di po hinuhulog ang contributions sa SSS
at PAG-IBIG at loans na kinakaltas sa akin.. April 17, 2018 nagpunta ako sa
opisina ng GSSI upang ifollow-up na ihulog nila ang kinakaltas sakin na
contributions upang mkapag renew ako ng loans para magamit ko pambili ng mga
gamit ng mga anak ko at pang enroll ngunit sabi ni Mrs. VIOLETA BONDOC at ni
Mrs. FE DATUL mga accounting officers na irefund nalang daw nila ang loan ko at
pinagawa nila ako ng letter na nagsasaad na nirerefund ko ang mga kinakaltas
nila sa akin pero maghintay lang daw ako ng collection.
Kpag tumatawag ako lagi dinadahilan wala
pa collection hanggang ngayong araw bumalik ako para makuha ngunit may bago
nman silang dahilan nagpunta daw Sss at Pag ibig personnel sa office nila
pinagbawal daw na irefund? Nagtuturuan ngayon sila at ang daming alibi at
dahilan pinakinabangan nila ng halos isang taon ang pera at ngayon kailangan ko
na di pa nila ibibigay!?? Paano mga anak ko pasukan na wala pang gamit???
Nasaan ang hustisya?? Narito ang mga pag uusap namin ni MRS. VIOLETA BONDOC at
sa telepono si MRS. MARIA VILMA M. GAMILLA – may ari ng GAMILLA SECURITY
SERVICES INC.
Kayo na po bahala maghusga. Nais ko lang
po linawin na di namin kagustuhan na basta lang lumipat ng agency. Tinangal po
sila ng Client dahil po delinquent sila sa paghuhulog ng SSS. Naawa samin ang
Client kaya kme pinaabsorb sa bagong agency.”
Inaasahan lang ng gwardyang makarating ang
kanyang mga hihinain at ang katiwaliang ito ng mga pribadong ahensyang
pangseguridad sa Pangulo pagkat sa kanyang mga mata, si Duterte lang ang
maaasahan para sa pagbabago!
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.
Thanks for dropping by and reading this post.
The News Blogger SOURCE: Facebook//Elicer Hudith | Updated Tayo
Disclaimer: The images on this blog are copyright of its respectful owners. Photographs are for illustration purposes only, we do not possess the photos and no copyright encroachment is expected. So, if the photos showing up on this blog belong to you and does not wish for it to appear on this site, please send us an email with the link of the image and it will be instantly removed from the page.